
Projects and Outputs
Bullying, anyo ng krimen
Kami’y mga estudyante na naglalayong mailathala ang krimeng nakatago sa likod ng mapang aping pamamaraan. Sadyang nakaklungkot ang mga pangyayaring nasaksihan at naranasan ko. Pagkatao’y natatapakan at nadudumihan, kung minsan pa ay humahantong sa marahas na pamamaraan. Malakas laban sa mahina, madalas nating naririnig. Bakit kaya ganito? Ako’y napabilang sa mga mahihina habang ang malalakas ay patulo’y kaming sinsasadlak sa kahihiyan. Mahirap bang matamo ang sinasabi n gating Panginoon na ang tao’y pantay-pantay, walang nasa itaas, walang nasa ibaba. Sa aking mga napagtanot, pagitan ng mga tao’y sadyang malayo. Ang mga malalakas ay nagpapakasaya samantalang ang mga lipunan ay bibigyan ng kaayusan at kapayapaan? Kung sa aming eskwelahan pa nga lamang ay hindi nila maaksyunan?
Ayon sa aking mga karasan, normal na lamang na makikita ng mga estudyante at kabataan na napapahamak dahil sa pambubully. Isa sna nga rin ako sa mga naging biktima ng masamang pag-uugali ng kasalukuyang panahon. Naalala ko noon, kakatapak ko pa lamang sa High school ngunit ang aking naranasan ay hindi katanggap-tanggap. Namulat na lamang ako sa mga pamamaraang nakakatapak ng aking pagkatao habang sila’y natutuwa sa kanilang ginagawa. Tinanong ko ang aking sarilio, bakit ba ako’y walang kakayahan? Bakit hindi ako binigyan ng Panginoon ng talent upang ako’y maging matatag at malakas? Sadyang hindi makatarungan ang nagaganap sa aming paaralan pati na sa ating lipunan. Mga patunay sa karahasang aking napagdaanan ay mananatiling nakatatak sa aking katawan at isipan. ako’y maswurte pa nga dahil ang ilang mga nabiktima ay nababawian nan g buhay sa maling pamarmaraan. Siguro’y ito’y isang sumpa sa ating lipunan dahil sa paglalapastangan natin sa Kanyang nilikha.
Nang ako’y yumapak sa paaralang aking napasukan, napansin kong kakaiba ang kilos ng mga estudyanteng aking nasasalubong. Bakas sa mga mukha ng ibang estudyante ang kasiyahang kanilang nararamdaman. Ang iba naman ay kabaliktaran ng nauna. Punong-puno ng katatakutan ang isturaat nalulungkot din. Nang simulant ng ko ulit maglakad, lubos akong nagtaka nang may matagpuan akong kaguluhang nagagapanap. Bilang isang taong may kakaibang enterprasyon dito.
-Group 3
Haligi ng tahanan
Simula ng makita ang liwanag ng mundo
Sa unang pagkakataon naramdaman ang mga bisig
Haplos ng malalambot mong mga kamay
Nagpatahan sa aking malakas na paghagulgol
Malamig na tinig tila awitin sa tenga
Sa bawat pagbigkas mababakas ang ngiti
Iyong pagmamahal, ninuman hindi matatawaran
Sa pagganap ng responsibilidad bilang ama
Tunay na nagging isang mabuting ama
Kinailangan lumisan upang magbanat ng buto
Hirap ng trabaho ay hindi alintana
Mapunan lamang ang aming pangangailangan
Amang handang ilaan ang oras at buhay para sa pamilya
Kahit hindi ka man madalas makita at makapiling
Ni makausap dahil bakas ang pagod
Alam ng puso na tunay mo kaming mahal
Simula’t bata gabay mo tamasa na palagi
Hanggang ngayon sa piling mo parin namamalagi
Bakit ba sa akin hindi nagsasawa?
Katatagan mo sa gitna ng pagsubok nagbibigay sa akin ng saya
Tahimik man ang postura, alam kong labis ang pangamba at pag-aalala
Kaya sa bawat payo at paalala ay sinusunod ng maluwag sa kalooban
Dahil inaalala lamang ang damdamin mo para sa amin
Mapagbuklod lamang ang pamilyang tinaguyod ng dugo’t pawis
-Group 4
Musikang Himig
Naniniwala ba kayo sa salitang posible? Kung ako ang tatanungin, kahit sino naman ay siguro ay naniniwala. Ngunit may mga tao lang talagang nawawalan ng pag-asa. May isang taong hindi nawalan ng pagasa sa pagkamit ng kanyang mga pangarap. Siya ay si Liu Wei na nakatira sa Tsina. Siya ay may pisikal na depekto o kapansanan. Isang araw, noong siya ay naglalaro kasama ang mga kaibigan, nahawakan niya ang isang high voltage wire. Dahil sa pangyayaring iyon, kailangang putulin ang kanyang dalawang kamay. Kung ikaw kaya ang nasa kalagayan niya, magagawa mo pa bang magsumikap sa buhay upang makamit ang ninanais na mga pangarap? O tatanggapin na lamang ang katotohanang ikaw ay isa sa mga taong may kapansanan? Bago magpasya subukan mo muna sumubok at tunghayan ang kwento sa likod ng makulay na buhay ngayon ng isang piyanista na si Liu Wei.
Sa loob ng dalawampung-taong pamumuhay sa mundong ibaba,ay sampung taon namang siyang nakaramdam at namuhay ng may dalawang kamay, katulad ng mga normal na tao. Si Liu Wei ay isang Tsino na may kakakayahang tumugtog ng piyano gamit ang daliri sa paa. Siya ay ipinanganak noong ikaw-7 ng Oktubre taong 1987 sa Beijing, China. Noong siya ay sampung taong gulang pa lamang, naranasan niya ang isang pangyayaring nakapagpabagao ng kanyang buhay. Naglalaro lamang sila ng kanyang mga kaibigan nang siya ay makuryente. Nagkaroon lamang siya ng malay pagkaraan ng apatnapung araw. Palagi siyang pinapayuhan ng kanyang ina na matutong maging "independent" o tumayo sa sariling mga paa. Siya raw ay dapat kumain, magsipilyo at gumawa ng ibang gawain gamit ang kanyang mga paa. Dagdag pa niya, para raw sa pagtanda nila ay kaya na niyang alagaan ang sarili. Habang nasa ospital, siya ay may nakilalang isang pintor na wala rin kamay. Nang dahil sa pintor na ito, natutunan niyang magsumikap.
Si Lui Wei ay nagsimulang sumali sa mga kompetisyon. Sa kabila ng kanyang kapansanan, siya ay matagumpay na nakamit ang pangarap. Bago niya makamit ang tagumap, marami siyang napagdaanan. Sa kagustuhan niyang matutuong magpiyano, kumuha siya ng eksperto sa pagpapiyano at siya'y nagpaturo, ngunit nawalan ng pag-asa ang kanyang guro sa pagtuturo sa kanya tulad niya. Hindi naging hadlang sa kanya ang pagalis ng kanyang guro. Pagkalipas ng dalawang taon matapos ang aksidente, sumali siya sa isang swimming team; Beijing's Paralyzed swimming team. Siya ay nakakuha ng dalawang medalya sa National Paralyzed swimming championship. Pagkatapos niyang makakuha ng dalawang medalya, siya ay nagkaroon ng allergy purpura at siya'y nadiagnosed, Nang ito'y nalaman ng kanyang ina, ito'y napatingin at napasigaw sa langit " Ano ba ang nagawa kong mali para mangyari ito sa amin? " Dahil sa nangyaring iyon ay nalipat naman ang pagkahilig sa isports nito sa musika. Sa kabilang dako - maalala niyo na nialisan saiya ng kanyang guro. Subalit hindi iyon naging hadlang sa kanya upang makamit ang ninanais. Nagsumikap siyang turuan ang sarili sa kabila ng kanyang kapansanan. Siya ay nag-ensayo ng piyano pitong oras kada araw. ayon sa kanya, ang melodiyang kanyang napaptugtog ay may limitasyon at iyo ay ayon lamang sa kakayahan ng kanyang mga paa. Hindi siya nakatutugtog ng kanyang ninanais na tugtugin dahil sa itoy hindi na abot ng daliri ng kanyang mga paa.
Sa bahay natin, hindi mo maiiwasan ang mga problema at pagsubok na laging handang sumalubong sa iyo. Kahit anong pigil mo ay hindi ka parin magtatagumpay, sapagkat parte na ito sa buhay ng tao. Ang maaari mno na lamang gawin ay huwag mawawalan ng pag-asa, magtiwala sa sarili at lalo na sa Panginoon. Huwag nating kalilimutang nariyan lang ang ating mga magulang at mga kaibigang laging gumagabay at nagmamahal sa iyo. Huwang mong iisiping nagiisa ka lamang ngunit huwag kang aasa sa kanila. Humugot ka lamang ng lakas ng loob sa kanila nang mapagtagumpayan ang haharaping delubyo ng buhay. Kung tutuusin, maswerte tayong mabiyayaan ng buhay at mabigyan ng pangalawang pagkakataon. Bibihira na lamang ang mga iyon. Ang tawag nga ng iba noon ay "God's Miracle". Magtiwala lamang sa ating panginoon dahil sa kanya, walang imposible.
-Group 3
Sa Piling ni Tatay
I
Tagapagtaguyod, tagapagkalinga at tagapagtanggol ko ang aking itay
Tila ba dumating na sa akin ang amang aking hinihintay
Sa kanyang mga paalala at alagang pinadama
Para sa akin ay wala ng makakapantay pa
Kahit na ako’y lumaki sa pamilyang di marangya
Hindi pinadama sa amin ng aking ama ang mga paghihirap
Bagkus siya ay nagsumikap upang itaguyod ang aming pamilya
Hanga talaga ako sa aking ama dahil sa katangiang meron siya
II
Balot ako ng pagmamahal mula sa aking natatanging ama
Iwinaksi niya ang bawat kapanglawan sa aking mata
Napakalambing ng aking amang hari sa akin na kanyang prinsesa
Walang kapalit ang saying hatid sa piling ni tatay
Naniniwala ako na si itay ay kasangkapan upang ang aking pagkatao’y mabuo
Saklaw ng aking pang-unawa na siya rin ay nagkakamali o nagkakasala
Subalit sa kanyang kamalian ay lalo pa syang natuto bilang isang mabuting ama
Sa mga pagkakataon na ako’y nagkakamali
Hindi siya nangungumi na ako’y pangaralaan
III
Sa piling ni tatay ko napagtanto ang kahalagahan at kagandahan ng buhay
Siya ang aking inspirasyon upang makamit ang pinapangarap
Mga sandal na siya ang aking kapiling ay tila nakkapawi ng lungkot
Matibay na sandigan at lagging maaasahan
Nararapat lamang na aking suklian ang walang kapaguran kong ama
Sa kanyang pagtanda ang dapat ipadama ay kalinga at aruga
Sa piling ng aking tatay nag-uumapaw ang magkahalo-halong karanasan
Mga sandal na kasama ang aking ama ay babauinin ko hanggang pagtanda.
-Group 4
Bullying, Anyo ng Krimen
Kami'y mga estudyante na naglalayong mailathala ang krimeng nakatago sa likod ng mapangaping pamamaraan. Sadyang nakakalungkot ang pangyayaring nasaksihan at naranasan ko. Pagkatao'y natapakan at nadudumihan, kung minsan pa ay humahantong sa marahas na pamamaraan. Malakas laban sa mahina, madalas nating naririnig. Bakit kaya ganito? Ako'y napabilang sa mga mahihina habang ang malalakas ay patuloy kaming sinasadlak sa kahihiyan. Mahirap bang matamo ang sinasabi ng ating Panginoon na ang tao'y pantay pantay.,walang nasa itaas, walang nasa ibaba. Sa aking mga napagtanto, pagitan ng mga tao'y sadyang magkalayo. Ang mga malalakas ay nagpapakasaya samantalang mga mahihina'y nagdurusa. Ito'y problema sa ating lipunan ngunit hindi nasosolusyonan. Nasaan ang sinasabi ng ating pamahalaan na ang lipunan ay bibigyan ng kaayusan at kapayapaan? Kung sa aming eskwelahan pa lamang ay hindi na nila maaksyunan?
Ayon sa aking mga karanasan, normal na lamang na makakita ng mga estudyante at kabataan na napapahamak dahil sa pambubully. Isa na nga rin ako sa mga naging biktima ng masamang paguugali ng kasalukuyang panahon. Naalala ko noon, kakatapak ko pa lamang sa highschool ngunit ang aking naranasan ay hindi katanggap-tanggap. Namulat na lamang ako sa mga pamamaraang nakakatapak sa aking pagkatao habang sila'y natutuwa sa kanilang ginagawa. Tinanong ko sa aking sarili, bakit ba ako'y walang kakayahan? Bakit hindi ako binigyan ng Panginoon ng talento upang ako'y maging matatag at malakas? Sadyang hindi makatarungan ang nagaganap sa aming paaralan pati na sa ating lipunan. Mga patunay sa karahasang aking napagdaanan ay mananatiling nakatatak sa aking katawan at isipan. Ako'y masuwerte pa nga dahil ang ilang mga nabiktima ay nababawian na ng buhay sa maling pamamaraan. Siguro ito'y isang sumpa sa ating lipunan dahil sa paglalapastangan natin sa Kanyang may nilikha.
Nang ako'y tumapak sa paaralang aking papasukan, pansin kong kakaiba ang kinikilos ng mga estudyanteng aking nakakasalubong. Bakas sa mga mukha ng ibang estudyante ang kasiyang kanilang nararamdaman. Ang iba naman ay kabaliktaran ng nauna. Punung-puno ng katatakutan ang itsuro at nalulungkot rin. Nang simulan ko ulit maglakad, lubos akong nagtaka nang may matagpuan akong kaguluhang nagaganap. Bilang isang taong may kakaibang enterpretasyon dito. Batang binubugbog at pinagtatawanan, isang kaawa-awang magaaral ang pinagtitiripan. Maraming tanong ang dumadaloy sa aking isipan. Katulad na lamang ng " Bakit nay ganitong nagaganap sa paaralang ito? Wala bang sumubok magsumbong kung ano na ang nangyayari? Bakit may mga ganitong bata na kung sino kung umasta? Sila bay may mga karanasang hindi nila matanggap at ninanais nila na makaganti? Samut-saring tanong na hindi ko malaman ang kasagutan. Doon ko na lamang napagtanto na kasama na ako sa sitwasyong tinutukoy ko.
Masayang karanasan ang aking inaasan sa paaralang ninanais. Nalaman kong ang lahaat ng tao sa mundo ay may kanya-kanyang karanasang hindi malilimutan. Kahit ang mga batang nabubully na napapahamak at mga nambubulling nagkakasala. Katulad kong nabully, nais ko mang gumanti ay hindi ko magawa dahil siguro ay pagod na ako at naaawa sa mga nambubully dahil sa nararamdamang tinatago-tago nila. Alam nating malalakas sila pero wala tayong alam sa mga naranasan at wala kayong karapatang husgahan sila. Lahat ng tao'y nagkakasala at lahat rin ay may karapatang magpatawad. Nagkamali man sila ay indi rin natin sila masisisi kung bakit ganoon sila. Nakasakit man o nakapatay man, sila pa rin ay nagkasala at dapat nilang harapin ang lahat ng kapalit ng kanilang ginawang kasalanan. Nasaktan man o napahamak dapat ay matuto tayong magpatawad dahil lahat naman ay nagkakasala at ang Diyos nga nagpapatawad, ikaw pa kayang taong nilikha lamang? Mabuting humingi ng tawad sa mga kasalanang nagwa at matutuo ring magpatawad upang sa ikatatahimik ng lahat.
-Group 3